Nahanay ang Pilipinas bilang ika-sampu sa listahan ng mga siyudad na may pinakamalalang traffic sa buong mund ayon sa isang website na nag o-organisa ng mga impormasyon sa mga bansang may matataas na cost of living, crime rate at pollution.
At dahil sa tagal ng usad ng sasakyan sanhi ng trapiko, ay hindi natin maiiwasang mabagot at mangyamot. Ngunit tila may sagot na sa problemang ito matapos na ibahagi ng isang netizen na kilala bilang si Mar Fernandez ang kanyang inkwentro sa isang Jeep pauwi na sa kanilang bahay ng isang gabi. Ito ang sinabi nya sa kanyang post sa Facebook:
Kagabi: Yong pagod ka galing trabaho, pag uwi mo ganito masasakyan mong jeep. Aliw! Haha. May CCTV, pag di ka nagbayad, huli ka! May Videoke, libre pamasahe pag ika'y kumanta. May tatlong magkahiwalay na buzzer para di na kailangang sumigaw ng 'paraaaa'. Ang matindi, may pa-wifi pa! 😂 😂. Salamat sa jeep ni Koyaaa 😂 😂 😂
#ByahengBaclaranToSucat
Source: Facebook