Kinompirma ng DOH ang outbreak ng Japanese Encephalitis na patuloy na pagkalat ng nasabing sakit sa buong rehiyon ng Pilipinas at kasama na dito ang mga urban na lugar gaya ng Metro Manila.
Ang Japanese Encephalitis ay nakukuha sa kagat ng lamok na “Culex Tritaeniornhynchus,” na mas karaniwang nakikita sa ating pamamahay at mga agrikultural na lugar at aktibo tuwing gabi sa mga malalamig na lugar.
"May reservoir kasi ang virus na ito sa baboy at kapag kinagat ng lamok, posibleng malipat sa lamok 'yong virus [at] magiging host siya nito, at kapag nakakagat ng tao ang lamok, puwede niyang mailipat ang virus sa tao," paliwanag ni Bayugo.
Hindi pa man nakababahala ang bilang ng mga pasyenteng may sakit na Japanese encephalitis, ayon sa DOH, dapat pa ring mag-ingat ang publiko sa sakit.
Inaasahang makapagbibigay ng libreng bakuna kontra JE ang DOH sa unang bahagi ng susunod na taon.
Maaari rin namang bilhin ang bakuna sa JE mula sa mga pagamutan o botikang nagbebenta nito.
Kung magkaroon ka man o ang anak mo ng sintomas ng naturang sakit, ang tiyansang mamatay ang isang pasyente ay nasa 20-30%, dagdag ni Bayugo. Ito ang nangyari sa pinakabagong tinamaan ng nasabing sakit sa Pampangga na kinilalang si Alexine, 3 taong gulang na binawian ng buhay dahil sa nasabing sakit.
Post ng magulang ni baby Alexine,
Baby Alexine? Miss kana namin ng sobra π Hanggang ngayon dipa namin matanggap pagkawala mo π Huhuhu. Masakit sa aming mga pinsan mo na maaga kang namaalam pero alam din naman na mas masakit sa mga magulang mo.
Siya po si ALEXINE T. CANDA 3years Old po siya. Ng SAN ANTONIO MEXICO PAMPANGA. Namatay po si Baby dahil sa JAPANESE ENCEPHALITIS π uri po ng lamok na mas matindi pa sa dengue. Mga sintomas po na nakita namin ay Mataas na lagnat,Pagtatae,Pagsusuka,Paninirik ng mata,Di makapag salita,masakit na tonsil,gilagid,sobrang sakit ng tiyan,at nanlalambot,at naninigas pag nag seizure. Paalala po. WALA PONG LUNAS ANG SAKIT NA ITO MALIBAN SA VACCINE NGUNIT PAHIRAPAN PO SA PAG PAPARESERVE π
Namatay po ang pinsan namin ng 24 HOURS LAMANG. Agad po siyang BRAIN DEAD DAHIL NALASON PO ANG DUGO AT UTAK NYA π Sa pinsan namin, BABY ALEXINE? Kung nasaan kaman sana masaya kana kasama si lord ππΌπ» Hindi namin matanggap ang pangyayaring ito ππ Last selfie na natin yan Baby, dikana makakapag wacky, dinakita mabibili ng maraming Chuckie at candy. Ayan baby oh sa ibabaw ng napaka ganda mong kwarto nandyan yung paborito mong chuckie na lagi mo pinapabili sakin πππ Hanggang sa muli Aming Munting Anghel. ππ
Sana maging masaya kana sa piling ng puong maykapal at naway gabayan mo kaming mga iniwan mong mahal sa buhay. Lalo na si Papa Aries mo si mama at kuya mo! π May your soul rest in peace baby! πππ WE LOVE YOU!!! ❤️π JUNE 20,2014 ⛅️ SEPTEMBER 1,2017